Sa panahon ngayon, hindi na natin masasabi kung sino, kailan, at saan pwede mangyari ang isang krimen.
Ayon sa datos na aming nakalap na nagmula sa Philippine National Police, bumaba umano ang bilang ng Focus Crime ng 8.44% sa bansa mula Enero (January) hanggang Disyembre (December) ng 2022 at 2023. Subalit, kahit na bumaba ang bilang ng krimen sa mga nakaraang taon, hindi pa rin maiiwasan ang pag-angat ng mga iilang krimen na nasa sa Focus Crimes– isang kategoryang ginawa ng ating kapulisan dahil sa dami ng mga naitatalang krimen kada taon– isa na rito ang pagnanakaw nang walang pahintulot mula sa may-ari (theft), sapilitang pagnanakaw na may kasamang pagbabanta (robbery), pambubugbog, at panggagahasa.
Kadalasang biktima ng mga krimeng ito ay mga kabataang nasa edad 12 pataas. Nakakatakot, pero maari naman itong maiwasan.
Paano? Tignan ang mga susunod na mga artikulong tungkol sa pagiging ligtas.
May mga tips ka bang pwedeng ishare? Share mo na ‘yan using our #SafeAko.