Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakaiwas tayo sa pagiging biktima ng krimen.
Sa panahon ngayon, wala nang pinipiling oras para sumalakay ang mga masasamang loob. Kung naalala ninyo ang mga balita noong 2022, kung saan maraming kababaihan na galing sa iba't-ibang lugar ang nawawala, at karamihan sa kanila ay naiulat na wala nang buhay at may bakas pa ng panggagahasa na tila ba isang mensahe na walang sino man ang ligtas pa at kailangan pang pag-igtingin ang seguridad sa ating mga komunidad.
Ang self-defense tools ay nariyan para tayo ay higit na matulungan pang maging ligtas o kaya ay makaiwas sa mga sitwasyong hindi kaaya-aya.
Alamin kung ano-ano at saan makakabili ng mga self-defense tools online.
Ang pito ay isang alternatibo sa alarm kung saan makakatulong ito na makakuha lalo ng atensyon ng mga tao kaysa sa pag gamit ng ating mga boses. Maaari rin itong gamitin ng mga bata at matatanda.
Ang presyo ng pito ay nagsisimula sa P10 pataas, depende sa klase at kalidad. Inirerekomenda namin na bumili ng magandang klase ng self-defense tool para sa kasiguraduhan na maayos at gagana ito kapag kailangan.
Narito ang mga link kung saan maaring bumili ng emergency whistle:
Ang personal safety alarm ay isa sa mga nirerekomenda ng karamihan dahil tulad ng pito, hindi kailangan dumaan sa training para magamit ito ng maayos. Ito rin ay isa sa mga mabisang pamamaraan ng pagkuha ng attention at paghingi ng tulong, gayun din ang pagpigil sa mga kriminal.
Ang presyo ng personal safety alarm ay nagsisimula sa P30 pataas, depende sa klase at kalidad. Inirerekomenda namin na bumili ng magandang klase ng self-defense tool para sa kasiguraduhan na maayos at gagana ito kapag kailangan.
Narito ang mga link kung saan maaring bumili ng personal safety alarm:
Maari ring bumili ng self-defense kit/keychain na naglalaman ng pepper spray, alarm, whistle, flashlight, knuckles, at kubaton. Pero hindi pare-parehas ang laman ng isang self-defense. Kadalasan, ito ay depende sa tindahan.
Ang presyo ng self-defense kit/keychain ay nagsisimula sa P328 pataas, depende sa klase at kalidad. Inirerekomenda namin na bumili ng magandang klase ng self-defense tool para sa kasiguraduhan na maayos at gagana ito kapag kailangan.
Narito ang mga link kung saan maaring bumili ng self-defense kit/keychain:
May mga tips ka bang pwedeng ishare? Share mo na ‘yan gamit ang aming hashtag #SafeAko!