Tanglaw Tanglaw

Mga Tips Paano Maging Ligtas Kapag Naglalakad Mag-isa

Madalas ka bang naglalakad mag-isa papasok o pauwi?

Karamihan ng aming nainterbiyu ay madalas pumasok o umuwi mag-isa. Mapa madaling araw, tanghali, o gabi. Marami nang pag-aaral ang nagpapatunay na ang paglalakad ng mag-isa sa gabi lalo na sa madilim na lugar, ay maraming dalang panganib. Iba’t-ibang istorya at balita na ang ating nakikita at naririnig; online man o hindi, tungkol sa mga naging biktima ng krimen dahil sa paglalakad ng mag-isa. Kaya’t mahalaga na dapat maigi pang pag-usapan ang mga bagay na maaaring gawin para maging ligtas sa mga sitwasyong ito.

Aming pinagsama-sama ang ang iba’t-ibang artikulong tungkol sa mga tips na makakatulong. Narito ang mga dapat tandaan at gawin:

  • Laging dalhin ang cellphone na may charge at hindi low battery.

    Sa panahon ngayon, marami nang safety apps ang makakatulong sakaling malagay ang iyong kaligtasan sa panganib. Mas madali ka ring makakahingi ng tulong sa patagong pamamaraan.

  • Siguraduhing may mga taong may alam ng iyong paroroonan.

    Huwag umalis mag-isa lalo na’t sa gabi nang hindi nagpapaalam o nagsasabi sa pamilya, kaibigan, o taong mapagkakatiwalaan mo, para may nakakaalam kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa iyo; madali silang makakapag padala ng tulong.

  • Iwasan ang mga kahina-hinalang tao at lugar.

    Ang mga lugar na wala masyadong tao, madilim, at malayo sa lugar na maraming tao tulad ng eskinita o parking lot ay mas delikado kaysa sa mga lugar na maraming tao at mailaw. Ugaliing dumaan sa mga lugar na maraming tao, mailaw, may mga establisyementong may mga bantay, at higit sa lahat ang dumaan sa pamilyar na lugar na alam ng karamihan.

  • Walk with confidence.

    Bakit? Ayon sa isang pag-aaral mula sa Amerika, pitong segundo lang ang kailangan ng isang batikang kriminal para pumili ng kanilang susunod na biktima. Nakikita nila ang body language ng isang tao na magpapasya kung ano ang madali at kaya nilang gawin sa iyo. Kaya’t iwasang maglakad ng nakayuko o kaya hindi mapakaling pagkilos.

  • Iwasan ang paggamit ng mga naka didistrak na bagay o gadyets.

    Walang masamang ihanda ang cellphone kung sakaling kailanganin tulad ng paggamit ng safety app. Ngunit, huwag itong hayaang maging distraksyon na magiging sanhi ng hindi magandang sitwasyon. Iwasan din ang paggamit ng earphones o headphones, at ugaliing maging mapagmatyag at alerto sa lahat ng oras.

  • Magdala ng self-defense tools.

    Bukod sa flashlight, maari ring mag bitbit ng pito, alarm na mayroong 120 decibels, at pepper spray– ang ilan sa mga karaniwang self-defense tools na makakatulong makapagbigay ng dagdag oras para makatakas at makahingi ng tulong. Paalala lamang na siguraduhing alamin ang tamang pag gamit ng ibang self-defense tools tulad ng pepper spray para maiwasan ang aksidenteng masaktan ang sarili.

  • Trust your gut.

    Huwag magdalawang isip at umaksyon agad sa naaayong sitwasyon. Kung nararamdaman mong delikado ang lugar o ang sitwasyon mo, huwag mo nang hintayin pa para malaman kung totoo o hindi. Huminto at suriin ang paligid kapag nakaramdam na may sumusunod sa iyo. Kapag ikaw naman ay sinusundan, bilisan maglakad o kaya ay tumakbo papunta sa mailaw at maraming tao na lugar.

  • Isave ang mga emergency hotlines at kontak ng iyong pamilya o kaibigan.

    Ugaliing mag save ng mga emergency hotlines sa inyong cellphone para sa mabilis na paghingi ng tulong.

  • NATIONAL EMERGENCY HOTLINE

    911

    CSJDM POLICE HOTLINE

    +63 916-432-0401

May mga tips ka bang pwedeng ishare? Share mo na ‘yan using our #SafeAko.