Tanglaw Tanglaw

AN INTERACTIVE VIDEO HYPERNARRATIVE ON THE SAFETY AND SECURITY OF THE YOUTH OF BRGY SAN MANUEL, CSJDM, BULACAN.

Ang BAKIT NASA LABAS KA PA? ay isang interactive video hypernarrative na nilikha ng TANGLAW Production upang itaas ang kamalayan ng kabataan tungkol sa nakakabahalang pagtaas ng bilang ng mga krimen sa Brgy. San Manuel, San Jose Del Monte, Bulacan. Layunin nitong turuan ang mga kabataan na makagawa ng ligtas na desisyon sa mga sitwasyong hindi kanais-nais sakaling ito’y kanilang kaharapin. Nilalayon din nitong maimpluwensyahan ang mga awtoridad na pagtibayin ang mga programang pang seguridad sa mga komunidad sa pamamagitan ng paglalahad ng mga makatotohanang sitwasyon na may limang posibleng kahihinatnan.

Ang BAKIT NASA LABAS KA PA? ay inilalagay ka sa gitna ng krisis, na nagbibigay sa iyo ng kapangyarihang makagawa ng tamang desisyon at makakuha ng kaalaman upang makaiwas sa mga mapanganib na sitwasyon. Ito ay hindi lamang isang video, kundi isang karanasan na maglalagay ng iyong kaligtasan sa iyong mga kamay.

Tanglaw Background
Genre

INTERACTIVE THRILLER

Logline

Isang estudyante sa kolehiyo, kasama ang kanyang matalik na kaibigan, ay naglalakad pauwi ng gabi mula sa unibersidad nang sila ay puntiryahin ng isang kahina-hinalang lalaki, kung saan ang kanilang mapayapang gabi ay nauwi sa isang bangungot. Ngayon, dapat silang gumawa ng mga tamang desisyon upang makauwi nang ligtas.

Tanglaw Background
synopsis

Si Joe (19), ay isang first year college mula sa Brgy. Kaligtasan na nagtatrabaho bilang isang part-timer sa isang cafe malapit sa kanilang unibersidad. Madalas silang umuwi nang gabi ng kaniyang kaibigan na si Marie (18), dahil sa kanilang mga akademikong proyekto at takdang-aralin. Isang gabi nang sila ay pauwi, hindi nila inaasahan na sila ay maging target ng isang kahina-hinalang lalaki. Walang oras para sayangin, kailangan nilang gumawa ng mabilis na desisyon upang makaligtas sa mapanganib na sitwasyon. Limang posibleng wakas ang maaaring magawa mula sa mga desisyong mapipili ng mga manonood na magiging basehan ng kahihinatnan nina Joe at Marie.

Tanglaw Background